Naaresto na ang isang kabataang suspek sa pagkamatay ng isang Fil-Am na humabol sa mga magnanakaw ng beer sa Highland Park, Los Angeles, California.
Isang 13-anyos na hispanic male ang suspek na hindi pinangalanan.
Ayon sa mga otoridad, apat ang suspek na nagnakaw sa tindahan na binabantayan ng biktimang si Steven Reyes.
Patuloy na pinaghahanap pa ng Pulisya ang dalawang babae at isang na lalaki na hispanic teens. —sa panulat ni Jenn Patrolla