Ipagdiriwang ng bandang Sponge Cola ang kanilang 20th anniversary sa pamamagitan ng tour sa bansang Canada bago tuluyang umuwi sa bansa.
Ang nasabing banda ay kinabibilangan nina Yael Yuzon frontman ng grupo, gitarista na si Armo Armovit, bassist na si GOSH Dilay at ang drummer na si Tedmark Cruz.
Nasasabik ang grupo na makabalik at makasamang muli ang mga kababayang sa ibayong dagat. Inaasahang kakantahin nila ang mga kantang bitiw, tuliro, tambay, tuloy pa rin, jeepney at ang bagong awiting kung ako ang pumiling tapusin ito at alamat.
Sisimulan ng bandang Sponge Cola ang kanilang tour sa Calgary, Red Deer at Lethbridge mula Nobyembre 4 hanggang 6, samantala Nobyembre 11 at 12 ang concert sa Regina at sa Saskatoon. Kasama sa concert si Denise Barbacena at ang ilang mga sikat na rappers na sina Gloc-9 at Shanti Dope.
Asahan ang marami pang pasabog ng banda sa Canada sa mga susunod na araw, at bago tuluyang lumipad sa United States sa taong 2023, ang grupo ay may special anniversary showcase “bottoms up!” sa Peta theater sa Disyembre 14 na pangungunahan ng concert director ng banda na si Paolo Valenciano. Samantala, maglalabas ng panibagong album ang grupo bago matapos ang taon.—mula sa panulat ni Maize Aliño-Dayundayon