Humakot ng pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa ginanap na 2022 Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) sa Philippine International Convention Center, Pasay City.
Kinilala ang lungsod bilang Most Competitive Highly Urbanized City sa haligi ng imprastraktura habang pumapangalawa naman sa Most Competitive in Innovation na bagong kategorya sa patimpalak.
Pang-apat at pang-lima rin ang lungsod sa Economic Dynamism at Resiliency.
Nagsilbing kinatawan ng Lungsod ng Maynila sina Vice Mayor John Marvin Yul Servo Nieto at Assistant City Administrator Arch. Joy Asuncion-Dawi sa naturang okasyon. —sa panulat ni Jenn Patrolla