Mahigit P290 billion ang nalugi sa agrikultura mula 2010 hanggang 2019 dahil sa panganib dala ng klima.
Ayon sa Climate-Resilient Agriculture Office (CRAO), 99.9% ang nawala sa produksyon bunsod ng bagyo na 84.56% ang pinsala sa produksyon.
Pumapangalawa naman ang moisture stress na may 14.58%, sinundan ito ng pagbaha na may 1.70% at P308 million ang halaga ng pagkalugi.
Kaugnay nito, higit sa 95% ng pagkalugi sa produksyon mula sa pinsala ng mga pananim, pangisdaan at mga alagang hayop.
Sa ngayon, aprubado na ng Senate Finance Committee ang budget ng CRAO, gayundin ang Bureau of Agricultural Research, Fertilizer and Pesticide Authority, at Bureau of Soil and Water Management para sa taong 2023. —sa panulat ni Jenn Patrolla