Halos 500 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Metro Manila kahapon.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, sa 3,788 na bagong kaso 486 dito ang mula sa Metro Manila kung saan ito ang pinakamababang arawang tally ng taon.
Aniya, mas mababa ito kumpara sa 600 na kaso na naitala sa NCR noong February 10.
Sinabi pa ni David na bumaba pa sa 0.22 ang COVID-19 reproduction number habang ang seven-day Average Daily Attack Rate (ADAR) naman ay 5.5
Ang adar ay tumutukoy sa average na bilang ng mga bagong impeksyon ng COVID-19 sa kada 100K inidibidwal.
Samantala, sinabi ni David na nasa low risk na sa COVID-19 ang Metro Manila. - sa panulat ni Airiam Sancho