Numero ng mga pasaherong stranded ng Bagyong Nina, na may international name na Nock-Ten, sa Bicol ay umabot na sa 4,860.
Sa naitala ng Philippine Coast Guard Bicol, may 1,617 sa Albay, 3,032 sa Sorsogon, 59 sa Mabate at 152 sa Camarines Sur.
Stranded din ang 12 na barko, 541 na sasakyan kasama na ang mga rolling cargoes at 3 motor na Bangka.
Ang mga na-stranded na pasahero ay nabigyan ng matutuluyan sa iba’t-ibang pantalan sa rehiyon.
By: Race Perez