Naghain ng reklamong physical injuries sa San Juan Prosecutor’s office sina De La Salle-College of Saint Benilde player Iimboy Pasturan at Taine Davis laban kay John Amores ng Jose Rizal University.
Nabatid na sinuntok ni Amores ang dalawang miyembro ng Benilde sa gtina ng laban nito noong November 8 sa Filoil Arena sa San Juan City.
Nagsilbi namang witness para sa complaint ang coach ng Benilde na si Charles Tiu.
Iginiit pa niya na handa naman ang kuponan o sina Pasturan at Davis na mag-move on sa nasabing insidente pero kailangan pa rin aniya ang tamang proseso.
Gayunman, binigyang-diin ni Tiu na sisikapin ng kuponan na ituon ang pansin sa paglalaro ng basketball para sa playoff spots sa NCAA Season 9.