Pinaigting pa ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kanilang Price Supply Monitoring Operations para masigurong sumusunod ang mga negosyante sa mga patakaran hinggil sa presyo.
Ayon sa DTI, dumarami na ang reklamong natatanggap nila sa kanilang opisina lalo na ngayong holiday season.
Ilang negosyante na rin ang kanilang ipinagpapaliwanag dahil sa paglabag sa price regulations.
Nanawagan naman ang DTI sa publiko na patuloy na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga establisyimento na basta-bastang nagtataas ng presyo. —sa panulat ni Hannah Oledan