Nasawi ang isang 79 taong gulang na babae at ang kanyang alagang aso matapos sumiklab ang isang sunog sa Tondo, Manila madaling araw, kahapon.
Natagpuan ng mga bumbero ang katawan ng biktima na kinilalang si Juanita Vitco na nakayakap sa kanyang aso habang nagtamo ng mga paso sa katawan ang mga anak ng biktima.
Ayon sa ulat, binisita ng biktima ang kanyang mga anak at nakatakda sanang umuwi ng Bohol sa katapusan ng Nobyembre.
Walong fire truck crew ang tumulong sa pag-apula ng apoy na idineklarang kontrolado bandang 3:52 ng umaga.
Samantala, tinatayang 30 na pamilya o 80 indibidwal ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog at nananatili sa covered court ng barangay.
Patuloy pang inaalam ng fire investigator ang sanhi ng sunog. - sa panulat ni Maze Aliño-dayondayon