Wala kaming natatanggap na mensahe!
Ito ang mariing iginiit ni Roy Mabasa, kapatid ng pinatay na brodkaster na si Percy Lapid taliwas sa sinabi ng Tagapagsalita ng kanilang pamilya na si Atty. Toto Causing, na nagpadala ng mensahe ang kaanak ni nasuspindeng BuCor director na si Gerald Bantag.
Ito ay para makipag-diyalogo sa pamilya Mabasa kaugnay sa akusasyon sa kaniya bilang ‘mastermind’ sa pagpatay kay Lapid.
Sa panayam ng DWIZ kay Mabasa, sinabi nito matagal na ang mensahe at hindi na ito bago sa pamilya.
Yun po ay isang pahatid hangin lang na matagal na noh, hindi po yan bago…matagal na po ‘yan, siguro ‘yan ay nangyari nung lumitaw ang kanyang pangalan pero wala, wala na po tayong nagaganap na ganyan…
Iginiit naman ni Mabasa na tuloy pa rin ang kanilang paghingi ng hustisya kasabay ng panawagan kay Lapid na magsalita na sa Korte.
Yung sa amin lang ay patuloy yung aming focus doon sa kaso despite sa napakalakas na trolls, pero wala pong magagawa yang mga trolls na ‘yan ang magsasalita po rito ay ebidensiya, so ang ebidensiya ay hawak na po ng DOJ bahala na po si Mr. Bantag kung sasagutin niya ‘yan o hindi, hindi po masasabi yang mga kasalanan sa media sinasabi po ‘yan sa harap ng Korte…” -Roy Mabasa, kapatid ng pinatay sa brodkaster na si Percy Lapid sa panayam ng DWIZ