Patay ang 49 katao habang maraming iba pa ang nasugatan dahil sa masamang panahon sa Pakistan.
Sinasabing karamihan sa mga nasawi ay mula sa hilagang Gilgit Baltistan area, hilagang kanluran ng Khyber Pakhtunkhwa Province at hilagang silangan ng Kashmir Area.
Ayon sa Provincial Disaster Management Authority, dahil sa walang tigil na pag-ulan at pagbaha, nakapagtala ito ng halos 50 insidente ng pagguho ng lupa, mga bahay at mga tulay.
Mahigit 70 tindahan naman sa provincial capital ng Peshawar ang nawasak at natangay ng baha matapos umapaw ang Bara river sa lugar.
By Jelbert Perdez
Photo Credit: Arshad Arbab/EPA