Pansamantalang tinanggal sa puwesto ang apatnapu’t siyam (49) na miyembro ng Philippine Navy.
Ito ay upang magbigay daan sa isinagasawang imbestigasyon sa pagkamatay ng dalawang Vietnamese na iligal na nangingisda sa Bolinao, Pangasinan.
Ayon sa Philippine Navy, inaalam na kung nagkulang ba ang mga tripulante ng BRP Malvar sa kanilang pag-aksyon laban sa mga mangingisdang Vietnamese.
Nanatili namang hawak ng Philippine Army ang limang iba pang tripulante ng nahuling Vietnamese fishing vessel.
Siniguro naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na bibigyan ng patas na at malalim na imbestigasyon ang pagkakapatay sa naturang mga dayuhang mangingisda.
—-