Umabot na sa 49 na bayan at lungsod na sa Eastern Visayas ang nakararanas ng African Swine Fever outbreak.
Kabilang sa mga apektado ang mga bayan ng Abuyog, Javier, Mahaplag, Dulag, Macarthur, Tanauan at Ormoc City, Leyte; Calbayog City, Catbalogan City At Sta. Rita, Sa Samar; Catarman at Mondragon, Northern Samar.
Nasa 15k baboy sa 230 bayan ang naapektuhan ng asf hanggang nitong kalagitnaan ng Setyembre.
Gayunman, nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na ‘manageable’ pa ang sitwasyon at unti-unti nang na-ko-control ang outbreak.—sa panulat ni Drew Nacino