49 na porsyento ng mga pamilyang Filipino ang nagsabing mahirap sila.
Ito ay batay sa survey ng SWS o Social Weather Stations na isinagawa noong April 28 hanggang May 2 sa 1200 adult Filipino respondents.
33 porsyento naman ng pamilyang Filipino ang nagsabing sila ay nasa “borderline poor” o malapit nang maging mahirap.
13 porsyento naman ng pamilyang Filipino ang nagsabing hindi sila mahirap.
Ayon sa SWS, ang resulta ngayon ay hindi nalalayo sa resulta ng survey noong November 2020, kung saan 16 na porsyento ang naniniwalang hindi sila mahirap habang 48 porsyento naman ang nagsabing mahirap sila.