Nasa 22 kaso ng rape ang naitatala araw-araw, simula January hanggang November 13 ng kasalukuyang taon batay sa datos ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Dr. Lilian Gu, isang Registered Psychologist at Play Therapist, karamihan sa mga suspek ay kamag-anak ng mga biktima, kabilang ang kanilang mga Ama, Tiyuhin at iba pang kamag-anak.
Ayon sa Police Region Office (PRO) Region 11, pinakamaraming naitalang kaso ang Davao City na may 413 kaso ng panggagahasa, 94 sa mga kaso ay kinabibilangan ng mga menor de edad na biktima.
Sinabi naman ni PRO 11 spokesperson Pol. Maj. Eudisan Gultiano na ang mga napapaulat na kaso ay sumasalamin sa pagiging epektibo ng kanilang programa partikular na ang kanilang women’s desk dahil nagkakaroon ng lakas ng loob ang mga biktima na magreklamo. —sa panulat ni Hannah Oledan