Inatasan ng National Privacy Commission ang mga telecommunication company na tiyakin ang seguridad dahil sa pagpapatupad ng Sim Card Registration Act.
Ayon sa NPC, nakipagpulong na sila sa mga kumpanya upang tugunan ang alalahanin ng publiko hinggil sa privacy data.
Natalakay nila anya ang “notice at tick-boxes” na maaring ipakita sa mga website at mobile application ng telcos na humihingi ng pahintulot ng mga user sa paggagmit ng kanilang personal na data.
Inatasan naman ni Privacy Commissioner John Henry Naga ang telco na ihiwalay ito sa “notice at tick-box” na walang kaugnayan sa Sim Card Registration partikular na sa pagbabahgi ng data sa mga third-party entity.
Hinikayat din ni Naga na ang mga telcos paghusayin ang kanilang mga website at application upang masunod ang Data Privacy Act of 2012. –sa panulat ni Jenn Patrolla