Lumubo pa sa 49 ang bilang ng mga namamatay dulot ng mga pagbaha dahil pag-ulang dala ng shear lines ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon sa pinakahuling situational report ng ahensya, 25 ang naitalang nasawi sa Northern Mindanao, walo mula sa Bicol Region, tig-apat sa Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula at Davao Region, tatlo sa Caraga Region at isa naman mula sa Mimaropa.
Sinabi pa sa ulat na 16 dito ang kumpirmado na habang 33 ang kinukumpirma pa sa ngayon.
Umabot naman sa 22 katao ang nawawala habang 16 ang nasaktan dulot pa rin ng mga pagbaha.
Samantala, umabot na rin sa halos kalahating milyong katao o katumbas ng 141,000 na pamilya ang apektado ng shear line na mula sa 959 na barangay sa iba’t ibang panig ng bansa.