Mahigpit na binabantayan ng Gobyerno ng Pilipinas ang nakakahawang Omicron subvariant na XBB.1.5.
Ayon kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., pareho pa rin ang status tulad ng ibang variant na na-detect sa bansa pero patuloy itong mino-monitor.
Tumataas na rin anya ang hospital occupancy rates dahil sa iba pang sakit.
Sa ngayon, hindi pa nade-detect ng Department of Health ang nasabing highly contagious variant sa bansa.
Nababahala naman ang eksperto hinggil sa dumaraming kaso ng Covid-19 sa China. —sa panulat ni Jenn Patrolla