Aabot sa 49,000 Filipino seafarers ang nai-deploy kasunod ng unti-unting pagbubukas ng seafaring industry sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay POEA administrator Bernard Olalia, nangangahulugan ito na sa kabila ng krisis sa buong mundo ay dahan-dahan nang bumabalik sa normal ang deployment at nakakasakay na muli sa barko ang mga seafarers.
Samantala, muli namang nagbabala sa publiko ang POEA na mag-ingat sa pag-a-apply ng trabaho online at makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan ukol sa recruitment at job vacancies upang hindi mabiktima ng mga illegal recruiters.