Umabot na sa 4,000 turista kada araw ang pumupunta sa Boracay Island, na pasok pa rin sa kapasidad ng lugar na pinahihintulutan ng gobyerno.
Sinabi ito ni Malay, Aklan Mayor Floribar Bautista matapos ihayag ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) na dapat obserbahan ang “carrying capacity” ng tourist spot dahil sa naitalang mahigit 800 sinkholes.
Iginiit naman ng alkalde na mahigpit nilang ipinatutupad ang mga panuntunan kaugnay sa bilang ng mga papayagang turista sa isla.
Samantala, hinimok ni Bautista ang MGB na ipakita sakanya ang mapa kung saan naitala ang mga sinkhole sa Boracay.