Mahigit sa apat (4) na milyong pisong halaga ng iligal na droga ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 7 sa isinagawang buy bust operations sa Labangon, Cebu City.
Naaresto sa nasabing operasyon ang suspek na si Mark Gonzales, isang pedicab driver habang nakatas naman ang target ng operasyon na si Jumar Umpad alyas Avatar.
Ayon kay PDEA Central Visayas Director kay Yogi Filemon Ruiz, nakatunog si alyas Avatar na mga pulis ang kanyang katransaksyon kaya agad itong tumakas at iniwan si Gonzales.
Kuwento naman ni Gonzales, napag-utusan lamang siya mag-deliver ng shabu sa halagang isang libong (1,000) piso.
Nahaharap ngayon si Gonzales sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
By Krista de Dios