Tiniyak ng DSWD na makatatanggap pa rin ng ayuda ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s, kahit hindi bakunado ang mga ito laban sa COVID-19.
Ipinaliwanag ng kagawaran na hindi naman saklaw sa 4P’s law ang requirement na dapat bakunado kontra COVID ang mga benepisyaryo.
Kailangan munang magpasa o amyendahan ang nasabing batas bago ipinatupad ang hirit na kondisyon ng DILG.
Naging kontrobersyal ang issue sa pagbibigay ng financial assistance na ibabatay sa COVID vaccination status partikular na sa nabanggit na sektor.—mula sa panulat ni Drew Nacino