Ibinunyag ng grupong BAYAN ang paggamit sa 4P’s program para isulong ang presidential at vice presidential candidates ng administrasyon.
Ayon kay BAYAN Secretary General Renato Reyes, maraming sumbong ang nakakaabot sa kanila hinggil sa bantang pananakot sa mga beneficiary ng nasabing program kapag hindi pumunta sa rally ng administration candidates.
Sinabi pa sa DWIZ ni Reyes na ginagamit ang barangay officials para mahimok ang mga beneficiary na dumalo sa mga rally ng mga kandidato ng gobyerno.
Bahagi ng pahayag ni BAYAN Secretary General Renato Reyes
By Judith Larino | Karambola