Paglalaanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na aabot sa higit 115.6 billion pesos ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa panukalang budget ng kagawaran na p196.8-b para sa susunod na taon.
Ayon sa DSWD, 4,400,000 ang makikiinabang na benepisyaryo ng programa.
Sinabi pa ni DSWD Secretary Erwin Tulfo, na hinihintay pa ng kagawaran ang listahan mula sa samahan ng mga 4Ps beneficiary upang ikumpara sa record ng ahensya.
Paglilinaw pa nito, walang matitipid ang ahensya sa pag-aalis ng mga pangalan ng benepisyaryo dahil papalitan rin ito ng mga bagong mas karapatdapat na beneficiaries.
Habang ilang buwan pa naman aniya bago maalis sa listahan ang mga ito at maaari mag-enrol ang mga naalis na benepisyaryo sa livelihood program ng kagawaran
Samantala pumangalawa naman sa pinakamalaking paglalaanan ng pondo ng DSWD ang pensyon para sa mga mahihirap na senior citizen na batay sa proposed budget nito ay paglalaanan ng 25.3-billion pesos. – sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)