Inaasahang makukumpleto ngayong araw ang pagdating ng nasa halos limang milyong doses ng iba’t-ibang brand ng bakuna kontra COVID-19.
Matapos bumili ng Pilipinas ng mahigit isang milyon at tatlong daang moderna vaccines na dumating alas-dyis ng umaga kanina.
Samantala, dumating na rin sa bansa ang mahigit dalawang milyon at walong daang doses ng bakunang Sputnik V at mahigit anim na raang doses ng bakunang Pfizer na binili ng pamahalaan.
Habang ang limang libong doses ng Sputnik V Light vaccines ay donasyon ng bansang russia sa Pilipinas.—sa panulat ni Joana Luna