Ika-apat na impeachment complaint laban kay VP Sara, ihahain sa pagbabalik ng session ng Kamara.
Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na maghahain ang ilang miyembro ng kamara ng ika-apat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay House Secretary General Velasco, may ilang miyembro ng kamara mula sa Majority at Minority Blocs ang humiling ng extension dahil pinag-aaralan pa nila ito.
Hindi naman pinangalanan ng House Secretary ang mga nasabing kongresista.
Nakatakda namang ihain ang ika-apat na impeachment complaint laban sa Bise Presidente sa Lunes, January 7, 2025. – Sa panulat ni Jeraline Doinog