Isinagawa ngayong araw sa bansa ang ika-4 na kwarter ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).
Binuksan ang event kaninang alas-9:00 ng umaga sa Bulungan Seafood Market sa Parañaque City sa pangunguna ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Maliban sa NDRRMC, lumahok din sa Simultaneous Earthquake Drill ang Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, mga paaralan, pribadong sektor at publiko.
Dito isinagawa ang nakagawiang “duck, cover and hold” bilang safety precautionary measures tuwing may lindol at kalamidad.