Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa kamara ang 4th package ng Comprehensive Tax Reform program (CTRP) ng administrasyong Duterte.
Inaprubahan sa kapulungan ang House Bill 304 (Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act) sa botong 186-6 at 2 abstentions.
Layon ng panukala na bigyan ng bagong porma ang Financial sector taxation kung saan mas magiging simple, patas at epektibo ito.
Nakasaad sa panukala na ipapataw ang single rate na 15% sa interest income ng mga individual o corporation maging sa capital gains sa mga unlisted stocks at debt securities.
Kaugnay nito, inaasahang makakalikom ng P4.2 Billion sa government revenues sa unang taon ng implementasyon ng naturang panukala.
Una rito, aprubado na sa kamara ang panukalang batas na nagtataas sa buwis sa mga alak, e-cigarettes at vaping products.