Natapos na ang ika-apat na round ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at NDF o National Democratic Front of the Philippines sa The Netherlands kahapon, Huwebes.
Sa huling araw ng peace talks, napagkasunduan ng magkabilang panig na gawing batayan para sa ihahaing reporma sa agraryo ang pamimigay ng mga libreng lupain ng pamahalaan.
Ang usapin sa land reform ay bahagi ng Comprehensive Agreement on Socio Economic Reforms na isinusulong ng NDF sa peace talks.
Una rito ay napagkasunduan at nilagdaan ng GRP Peace Panel at NDF ang joint interim ceasefire.
Samantala nakatakda naman ang ika-limang round ng peace talks sa Mayo 26 hanggang Hunyo 2.
By Krista de Dios
*OPAPP Photo