Pinangalanan na ng mga awtoridad ang ika-apat na suspek sa pagtatanim ng IED o improvised explosive device malapit sa US Embassy noong November 28.
Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang suspek na si Elmer Romero alias Jamal na naaresto nitong nakalipas na December 7 sa isang remote area sa barangay Mangan-Vaca, Subic, Zambales.
Ayon sa MPD, si Romero ay bahagi ng casing and surveillance team na nagtanim ng IED malapit sa US Embassy.
Una nang naaresto ng mga awtoridad ang tatlong suspek na kinabibilangan nina Rashid Kilala, Jiaher Guinar at Mohammad Jumao-As alias Modie na pawang miyembro ng Saranggani based Ansar Al Khilafah sa Pilipinas.
By Judith Larino