Nababahala ngayon ang ilang mga pinoy frontliners sa Germany sa posibleng 4th wave dahil sa pagsipa ng Covid-19 cases kahit pa nasa 47% na ang bilang ng mga bakunado sa nasabing bansa.
Kasunod ito ng all-time high na 50,196 na mga bagong Covid-19 cases sa Germany na pinaka mataas umano mula nang pumutok ang pandemiya.
Nakapagtala naman ng 33,200 na aktibong kaso ang nabanggit na bansa na may 235 na dagdag na bilang ng mga namatay dahilan para umabot na sa 97,198 ang total deaths nito.
Ayon sa mga eksperto, target nilang maabot ang 75% na bilang ng mga bakunado para maabot ang herd immunity sa Germany.
Sa ngayon, naghigpit na sa Covid-19 protocols ang Germany kung saan, hindi na muna papayagang pumasok ang mga hindi pa bakunado sa indoor dining, bars, gyms at salon. —sa panulat ni Angelica Doctolero