Nanganganib na mawalan ng trabaho ang lima hanggang anim na milyong state workers sa China.
Ito’y bahagi umano ng retrenchment program ng Beijing na mangyayari sa susunod na dalawa hanggang tatlong taon.
Isa sa mga itinuturong dahilan ng posibleng mass layoffs ay ang industrial overcapacity, polusyon, at pagkalugi ng mga kumpanyang pinatatakbo ng gobyerno.
Sinasabing may mga ahensya ng gobyerno sa China na nagsara na pero nananatili pa rin sa payroll ang mga empleyado.
Tinatayang aabot umano sa 23 bilyong US dollars ang binabayarang utang ng Beijing dahil sa pagkalugi ng mga nagsarang state companies.
By Jelbert Perdez
Photo Credit: Reuters