Pinaplantsa na ng DTI o Department of Trade and Industry ang mga panuntunan sa gagawing pagpapautang sa mga maliliit na negosyante.
Kasunod ito nang paghihigpit sa sistemang 5-6 na pagpapautang ng mga Indian national na ayon sa DTI ay kanilang tatapatan.
Sinabi ni DTI Undersecretary Teodoro Pascua ng Consumer Protection Group na uunahin nila ang mga nasa malalayong probinsya kapag tuluyan nang naipatupad ang bagong batas.
Ang pondo aniya ay idadaan sa micro-lending institutions kung saan hindi lalampas ng 26 porsyento ang interest sa isang taon o hindi tataas ng 3 porsyento kada buwan.
Ipinabatid ni Pascua na uubra makautang sa kanila ang mga maliliit na negosyante mula P5,000 hanggang P300,000 piso.
By Judith Larino