Mahigpit na binabantayan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang limang tanggapan ng gobyerno dahil sa isyu ng red tape o korapsyon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tinukoy ng Pangulo ang mga ahensyang ito sa kanyang rehearsal sa Malacañang bago ang State of the Nation Address o SONA.
Gayunman, hindi binanggit ni Pangulong Duterte ang mga naturang tanggapan ng gobyerno sa kanyang aktuwal na SONA sa Batasan Complex noong Lunes.
Paniwala ni Roque, hindi na muna tinukoy ng Pangulo ang mga ito dahil kinakailangan na pagsabihan muna ang kani-kanilang mga pinuno sa pribadong pamamaraan.
—-