Aabot sa mahigit 67 milyong piso ang ibinahagi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa may 5 ahensya ng Pamahalaan.
Pinangunahan ni PCSO General Manager Royina Garma ang turn-over ng tseke sa mga kinatawan ng Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI).
Gayundin sa Dangerous Drugs Board (DDB), Commission on Higher Education (CHED) at sa Philippine Sports Commission (PSC).
Ayon kay Garma, layunin nitong suportahan ang iba’t ibang programang pangkalusugan at medikal ng mga nabanggit na ahensya.
Nagmula ang ipinamahaging pondo sa shares o sapi ng kinita ng PCSO sa kanilang mga palaro bilang bahagi ng kanilang mandatory contributions. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)