Agad na ipatutupad ng National Police Commission o NAPOLCOM ang pag-aalis ng supervision at kontrol sa pulisya ng limang (5) mga alkalde sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).
Ito ay matapos mapabilang ang limang alkalde sa listahan ng mga narco-politicians ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa ipinalabas na Resolution 2017-570 ng NAPOLCOM, kinilala ang limang mayor na sina Eulalio Alilio ng Lemery Batangas, Raul Palino ng Teresa Rizal, Antonio Halili ng Tanauan Batangas, Cecilio Hernande ng Rodriguez Rizal at Loreto Amante ng San Pablo.
Ang nasabing resolusyon ng NAPOLCOM ay inilabas alinsunod sa utos ni Pangulong Duterte sa ginanap na command conference sa Malacañang noong Agosto 7 at pirmado ni Department of Interior and Local Government o DILG OIC Catalino Cuy.
—-