Limang ambassador mula sa Europe ang nag courtesy call kay President Elect Ferdinand Marcos, Jr. sa gitna na rin nang paghahanda sa pormal na pagpasok ng bagong administrasyon.
Kabilang sa mga diplomat na nagtungo sa BBM headquarters para makipagkita ng personal sa bagong pangulo ng bansa sina UN Representative Ambassador Gustavo Gonzales, Swedish Ambassador Annika Thunborg, Papal Nuncio Archbishop Charles Brown, Irish Ambassador William Carlos at Swiss Ambassador Alain Gaschen.
Ang nasabing courtesy call ay bahagi na ng tradisyon para sa mga bagong halal na opisyal.
Una nang nag courtesy call kay Marcos ang UN Deputy Secretary of State gayundin ang mga diplomat mula sa Germany, Italy at ASEAN.