Umarangkada na ang limang (5) araw na pagpupulong ng mga hepe ng militar mula sa mga bansang miyembro ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations.
Ang pulong ay pinangunahan ni AFP o Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Eduardo Año.
Layon anya ng kanilang pulong na alamin ang kakayahan ng mga hukbo ng militar sa rehiyon para humarap sa mga emergency security measures.
Kabilang sa mga pinag-uusapan ang hinggil sa maritime security, humanitarian assistance and disaster response, counter terrorism, infectious disease management at peacekeeping.
By Len Aguirre
5-araw na ASEAN military chiefs meeting nagsimula na was last modified: May 15th, 2017 by DWIZ 882