Sisimulan na ngayong araw ang mobile vaccination drive na isasagawa ng Land Transportation Office (LTO) sa kanilang tanggapan sa Cebu City.
Ang 5 araw na “arangkada para sa bakuna” program ay isasagawa ngayong araw Pebrero a-7 hanggang a-11 mula 7:00am hanggang 3:00pm.
Sinovac at Astrazeneca vaccine brands ang nakatakdang ipagkaloob sa mga target vaccines na kinabibilangan ng mga transport workers, commuters at mga kliyente ng LTO, bilang first, second, o booster doses.
Layunin anila nitong mapaigting pa ang vaccination efforts ng national government at mahikayat ang mga indibidwal na hindi pa bakunado laban sa Covid-19 na magpabakuna na. –Sa panulat ni Mara Valle