Sisimulan na sa November 2 ang limang araw na face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
Kasunod ito ng pag-apruba ng Department of Education (DepED) sa hinggil sa pagpapatupad ng in-person classes maging sa distance at blended learning.
Sa inilabas na department order kahapon, sinabi ni Vice President at Education secretary Sara Duterte-Carpio, na sa ilalim ng blended learning scheme, ang mga pribadong paaralan ay maaari nang magsagawa ng tatlong araw na face-to-face classes at dalawang araw na distance learning o kaya ay apat na araw na in-person classes at isang araw na distance learning.
Ang mga pampublikong paaralan naman, ay obligadong bumalik sa limang araw na face-to-face classes.
Layunin ng DepEd na maibalik ang traditional classroom set up upang matugunan ang learning losses ng mga mag-aaral dulot ng pagsasara ng mga paaralan dahil narin sa Covid-19 pandemic.