Positibo ang Manila Police District (MPD) na magiging maayos at mapayapang maidaraos ang limang araw na filing of certificate of candidacy para sa 2016 election.
Ayon kay Chief Supt. Rolando Nana, hepe ng Manila Police District, wala naman silang natatanggap na intelligence report na mayroong nagpa- planong manabotahe sa limang araw na aktibidad sa COMELEC.
Maliban anya sa buong puwersa ng Ermita at Intramuros Police Stations sa Maynila, nagbabantay rin sa COMELEC Head Office ang District Public Safety Batallion ng Manila Police District.
Una rito, ipinag-utos na rin ng pamunuan ng PNP ang paglalatag ng seguridad sa mga tanggapan ng COMELEC sa buong kapuluan.
“Sa ating mga supporters po, hayaan lang po natin ang ating mga kandidato na meron pong patakaran sa COMELEC, yung mga nasa labas po ay patuloy lang po tayong maging mahinahon at suportahan lang po natin ang ating mga kandidato.” Pahayag ni Nana.
By Len Aguirre | Ratsada Balita