Tinapos na ng mga magsasaka ang kanilang kilos protesta sa Koronadal City na tumagal ng limang araw.
Nag-protesta ang mga magsasaka dahil sa kawalan ng makakain bunga nararanasang tagtuyot.
Nahakot na at naihatid sa lugar ng mga raliyista sa Davao Region, Sultan Kudarat at North Cotabato ang 2,000 sako ng bigas na nagmula sa DSWD Region 12.
Tiniyak ni Norhata Benito, Disaster Risk Reduction and Management Council Head ng DSWD Regional Office na patuloy nilang imo-monitor ang pagbibigay ng ayuda sa mga magsasaka na lubhang naapektuhan ng tagtuyot.
Sa ilalim ng national program ng DSWD, 25 kilo ng bigas ang nakalaan sa bawat mahirap na pamilya tuwing sasapit ang tagtuyot.
By Len Aguirre
Photo Courtesy of Radyo Bida