Tinapos na ng permanent court of arbitration sa The Hague, Netherlands ang limang araw na pagdinig nito.
Kaugnay ito sa reklamong inihain ng Pilipinas laban sa China hinggil sa ginagawa nitong pananakop sa mga teritoryo sa West Philippine Sea.
Kasunod nito, binigyan ng hanggang Enero 1 ng susunod na taon ng arbitral court ang China para magsumite ng rebuttal o sagot sa mga alegasyon ng Pilipinas hinggil sa usapin.
Sa susunod na taon din inaasahang maglalabas na ng desisyon sa usapin ang international arbitral court.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: gov.ph