Kasado na ang limang araw na pork holiday.
Ayon ito kay Rosendo So, Pangulo ng SINAG o Samahang Industriya ng Agrikultura at Chairman ng Abono Partylist dahil sa talamak na smuggling ng karne sa iba’t ibang daungan sa bansa.
Sinabi sa DWIZ ni So na isang pulong na lamang ang gagawin nila bago isagawa ang pork holiday na naglalayong iparamdam sa gobyerno ang pagkalusaw ng local industry kapag nagpatuloy ang smuggling ng karne.
“Ayaw sana natin na maapektuhan ang consumer pero yung message lang na gusto nating iparating sa ating government, kung mawala yung local industry ganun ang mangyayari, so napag-usapan namin na ang pork holiday siguro 5 days ang target nating gagawin.” Ani So.
Umaaray na din ang mga magba baboy sa halos P10 lugi nila sa bentahan ng kada kilo ng baboy.
Dahil ito sa aniya’y talamak na smuggling ng karneng baboy.
“Ang problema itong mga talamak na dumarating, hindi lang doon sa La Carmen na smuggled, pati yung Port of Batangas, Port of Cebu nai-release pa yung mga karne, yung backyard craze eh ang live weight bumaba na P88-P90 yung presyo kaya umaangal na talaga sila, yung lugi nila almost P10 per kilo, kung sa 100 kilos almost 1,000 per head ang lugi.” Pahayag ni So.
By Judith Larino | Ratsada Balita