Nagbanta ng 5 araw na meat holiday ang mga hog raisers.
Bunga ito ng anila’y hindi mapuksang technical smuggling sa karne ng baboy.
Tinukoy ng hog raisers ang anila’y imported na laman ng baboy na ipinapasok sa bansa subalit deklaradong balat, laman loob at taba ng baboy.
Anila hindi lamang naman mga hog raisers ang apektado ng technical smuggling dahil aabot sa P6.8 billion pesos ang nawawalang buwis sa pamahalaan sa loob lamang ng isang taon.,
Una rito, ibinunyag ng ni Agap Partylist Representative Nick Briones na bumagsak sa P90 hanggang P95 pesos ang farm gate ng baboy makaraang makapasok sa bansa ang may 252 kilo ng imported na baboy.
By Len Aguirre | Aya Yupangco (Patrol 5)