Palalakasin pa ng PNP ang ugnayan nito sa AFP kaugnay sa kampanya nila kontra loose firearms.
Kasunod na rin ito nang pagkakaaresto sa lima katao kabilang ang isang pulis at dalawang sundalo na sangkot sa gun running o iligal na pagbebenta ng mga armas sa datu odin sinsuat, maguindanao.
Kabilang sa mga naaresto sina Patrolman Eliver Jay Anggot Soverano na nakatalaga sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Regional Crime Laboratory, Army Staff Sgt Glenn Sangyao at Staff Sergeant Reynaldo Dichosa,II at mga sibilyang sina Datu Morjan Kunakon Tumindig at Adams Tumindig
Tiniyak ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar ang kasong kriminal at administratibo na isasampa sa mga pulis sa pagkakasangkot sa gun running activities na posibleng gamitin ng mga nais maghasik ng gulo at karahasan sa 2022 National Elections. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)