Nahaharap sa patumpatong na kaso ang 1 pulis at 4 na kasamahan nito matapos maaktuhang nag tutupada sa lahug, Cebu City kahapon.
Kinilala ni Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) Director P/Bgen. Ronald Lee ang naaresto na si P/Ssgt. Charlito Sanchez.
Batay sa ulat ng Visayas field unit ng IMEG at Regional Special Operations Group Regional Intelligence Division ng Police Regional Office 7, madalas umano ang patupada ni sarhento kahit nasa ilalim pa sila ng enhanced community quarantine (ECQ) ang kanilang lungsod.
Nang salakayin ng mga pulis ang sabungan, tumambad pa sa kanila ang mas maraming paglabag tulad ng kawalan ng physical distancing, hindi pagsusot ng facemask at mass gathering dahil sa dami ng mga miron duon.
Una nang ibinabala ni PNP Chief P/Gen. Archie Gamboa sa lahat na walang sasantuhin ang kanilang internal cleansing program upang maibalik nang ganap ang tiwala ng publiko sa pulisya.