Tagumpay ang unang araw ng implementasyon ng COMELEC Gun Ban.
5 ang buena manong inaresto ng mga otoridad makaraang harangin ng National Capital Region Police sa checkpoints ilang oras matapos ilarga ang Gun ban.
Ayon kay NCRPO Spokesperson, Lt. Col. Jenny Tecson, naganap ang unang insidente sa Navotas City pasado alas-2 kahapon ng madaling araw kung saan isang indibidwal ang hiningan ng dokumento at ID.
Nalaglag mula sa short ng suspek na si Jerwin Gubaton, 39-anyos ang isang calibre 38 sa barangay Bagumbayan North, Navotas habang pinigilan ang hindi pagsusuot ng helmet ni Jhon Paul Dungao, 23- anyos na natimbog sa Rotonda Amparo Subdivision, Barangay 179, Caloocan City.
3 iba pa ang nahuli rin sa Zamboanga Peninsula na kinilalang sina Wendell Deocariza, 39-anyos at Earon Jay Mascara, 18-anyos na kapwa nahulihan ng mga baril.
Dinampot din ng mga otoridad ang 17- anyos na kasama ni Mascara.