Arestado ang 5 babae sa Atimonan, Quezon matapos magpatakbo ng sex den.
Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), kinilala ang mga suspek na sina; Renita Francia, Rowena Abo, Lyra Riego, Josefina Devilles at Mary Anne Alvarez na nagpapatakbo ng Kingfisher lodge hotel and videoke bar.
Inamin naman ng mga suspek ang akusasyon at nagsabing nag-aalok sila ng panandaliang-aliw sa kanilang mga kliyente.
Agad na iti-nurn over ang 5 sa social welfare office ng lungsod na nahaharap sa kasong human trafficking. —sa panulat ni Abby Malanday