Nakapagtala ng limang bagong kaso ng delta variant ang lalawigan ng Aklan.
Sa nasabing bilang, tatlo ay mula sa bayan ng banga habang ang isa naman ay mula sa Bayan ng Ibajay na pawang gumaling na.
Nasawi naman ang isa pang pasyente na 58-anyos na lalaki mula sa Ibajay.
Kaugnay nito, agad namang inabisuhan ng Provincial Health Office – Aklan ang Local Government Units na magsagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga pasyente.
Sa ngayon, umakyat na sa 27 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng delta variant sa Aklan.—sa panulat ni Hya Ludivico